
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Mahalaga ang pag-eehersisyo dahil pampalusog ito ng katawan, lalo na sa mga matatanda at mga nagpapagaling sa karamdaman. Isa sa mga epektibong ehersisyo ay ang pagtakbo o jogging dahil pinapabuti nito ang sirkulasyon ng dugo sa katawan. Pinapatibay nito ang puso at inaalis ang mga bara sa mga ugat. Ang madalas na pag-jogging ay mas maigi dahil pinananatili nito ang kalusugan ng puso. Kaya naman anumang pagkakataon para magawa ito ay mabuti.
Batid ng alkalde ng Maynila ang kahalagahan ng pagtakbo kaya naman isang magandang balita sa mga nais magkaroon ng lugar at panahon para makapag-jogging na maglabas ng ordinansa na gamitin ang magkabilang lane ng Roxas Boulevard ng ilang oras sa umaga tuwing Linggo para sa mga nag-eehersisyo simula sa Mayo 26.
Ang nasabing ordinansa ay bahagi ng programang “Move Manila” ni Mayor Honey Lacuna-Pangan. Layon ng Move Manila ang itaguyod ang kalusugan pati na rin kalinisan ng hangin dahil hindi padadaanin ang mga sasakyan sa nasabing daan sa mga oras na mula alas 5 ng umaga hanggang alas 9 ng umaga.
Bukod sa mga nais tumakbo, magagamit rin ang daan ng mga nagbibisikleta at nagro-roller skating.
Dati nang sinasara ang Roxas Boulevard sa parehong oras at araw kaya maiging maibalik ito para sa ikabubuti ng mamamayan.
Hindi naman kalabisan na bawalan ang mga motorista sa daan dahil kaunting oras lamang ito at para naman sa kabutihan ng tao. Isa pa, makakatulong ito sa pagbabawas ng polusyon sa hangin kung hindi muna dadaan ang mga sasakyan sa boulevard ng apat na oras.
Ang mga motorista ay maaari namang dumaan sa service road ng Roxas Boulevard o iba pang kalye upang hindi naman sila maabala.
Siniguro rin ni Mayor Lacuna na ligtas ang mga taong gagamit sa daan tuwing maaga ng Linggo. Magtatalaga rin ng mga emergency responders para sa mga nangangailangan ng first aid at istasyon ng tubig para sa mga nais uminom.
Sisiguruhin din ng mga pamahalaan ng Maynila na malinis ang Roxas Boulevard pagkatapos itong gamitin ng mga nag-eehersisyo.
Kaya sa mga nais mag-ehersisyo, maaari nang ugaliin na gawin ito sa Roxas Boulevard tuwing maaga ng Linggo.