Kaskaserong lasing timbog



Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Mariveles Municipal Police Station sa…

Hindi napigilan ni Lead Defense Counsel Sheila Sison na punahin ang umano'y "nakababahalang" post ni Private Prosecutor…

Medyo nag-init ang Senate impeachment court sa sagutan nina private prosecutor Atty. Lorna Kapunan at defense counsel…

Siyento porsiyentong aprubado at go for gold ang pagtanggap ng parentals, kasama na diyan ang mga kapatid at kamg-anak…

Hindi pa rin papaawat ang bashers ni sports reporter Apple David kahit nagbanta na itong magkakaso!
Kalaboso ang bagsak ng isang jeepney driver matapos umanong magmaneho habang lasing sa Camarines Sur.
Batay sa imbestigasyon, sinabi ng isa sa mga pasahero na mabagal lamang ang andar ng jeep galing sa Calabanga at papuntang Naga City noong una pero kalaunan ay binilisan na ng driver ang kaniyang pagmamaneho.
Maririnig ang ilang pasahero na sumisigaw ng “Para po!” at “Lampas na ako” dahil sa mabilis na takbo ng driver.
Napalipat naman sa likod ang lalaking pasaherong katabi ng driver dahil din sa takot.
Tumigil ang driver sa tapat ng isang chapel, at doon na nagsibabaan ang mga pasahero.
Rumesponde ang pulisya at natuklasang nakatulog sa kalsada ang driver pagkababa ng jeep dahil sa kalasingan.
Tiniketan na ang driver para sa reckless driving.