Motor sumalpok sa bus; ginang patay



Tinawag ni Senador Panfilo "Ping" Lacson noong Huwebes, 13 August, na mas masahol na bersyon ng pork barrel system ang…

Naglabas na ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang aktor at businessman na nahuling…
Isang guro ang dinukot sa bayan ng Maguing, Lanao del Sur.

Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Mariveles Municipal Police Station sa…

Hindi napigilan ni Lead Defense Counsel Sheila Sison na punahin ang umano'y "nakababahalang" post ni Private Prosecutor…
Isang babae na angkas ng isang motorsiklo ang nasawi matapos mabangga ng isang bus ang sinasakyan nilang motor ng kanyang asawa sa Taytay, Rizal.
Batay sa mga ulat, sinabing nangyari ang insidente dakong 4:00 am sa bahagi ng Ortigas Avenue extension na sakop ng Barangay Dolores sa Taytay.
Kinilala ang biktima na si Josabelle Sambajon, habang natamo ng sugat sa siko ang kaniyang mister na si Feliciano, na siyang nagmamaneho ng motorsiklo na kanilang sinasakyan.
Ayon sa salaysay ni Feliciano, galing sila sa pamamalengke ng kaniyang asawa at paliko na sa subdibisyon na kanilang tinitirhan nang biglang sumulpot ang bus na kanilang nakabanggaan.
“Pakaliwa na kami dito, dito umovertake sa kaliwa yung bus. Kaya tumama kami sa katawan ng bus, yung misis ko nalaglag, ako nakahawak sa motor,” sabi ni Feliciano.
Aminado naman ang 54-anyos na driver sa kaniyang pag-overtake na patungo sa kanilang terminal sa Antipolo.