Nagpanggap na opisyal ng pamahalaan arestado


Nahuli ng mga otoridad sa Pasay City ang isang lalaki at kaniyang mga kasamahan matapos umano nilang magpapakilalang mga opisyal ng gobyerno at manakot ng mga negosyante na ipasasara ang establisyimento nila kung hindi magbibigay ng "padulas."
Batay sa mga ulat, mapapanood sa isang undercover video na kumakain sa isang restaurant ang suspek nitong Martes ng gabi kasama ang isang kausap na hindi kita sa video.
Isa na pala itong entrapment operation na ikinasa ng Criminal Investigation and Detection Unit laban sa suspek at matapos madokumento ang pagtanggap ng suspek ng bulto ng pera mula sa kausap, dinakip na siya sa kasong robbery, extortion o pangongotong.
Nahuli rin ng mga awtoridad ang mga kasama niyang nasa paligid lamang ng lugar nang isagawa ang operasyon.
"Nagkaroon kami ng setup, gumamit kami ng isang complainant na magbibigay ng pera sa kanila, 'yung tinatakot nila. Actually, 'yung usapan nila ngayon nasa P5 million," saad ni Police Lieutenant Colonel Jose Joey Arandia ng CIDG-NCR.
Nagpakilala raw ang suspek at kaniyang mga kasamahan na mga opisyal sila ng gobyerno na konektado kay First Lady Lisa Araneta Marcos.
Ngunit matapos makipag-ugnayan ang pulisya sa opisina ng First Lady at sa ilang mga complainant, ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek.
P99-B budget amendments questionable
A director and filmmaker from Toronto, Canada has finally learned why he had a green spot on his left earlobe.
Cesar E.A. Virata, prime minister during the Ferdinand Marcos Sr. administration and one of the country’s…
A spokesperson for Senator Loren Legarda said the veteran senator may be talking with some colleagues to pave the way…