Nagturo sa bangkay suspek sa krimen

Isang lalaki na nag-ulat sa mga otoridad kaugnay sa isang bangkay ng batang babae na nakita umano niyang nakasako sa Atimonan, Quezon ang lumilitaw ngayon na pangunahing suspek pala sa krimen.
Kinilala ang suspek na si Peter Aureada at ayon sa mga otoridad, nagpanggap umano na concerned citizen ang suspek at ini-report ang nakita umano niyang bangkay na nasa sako malapit sa tower ng isang cell site.
Pero nagduda ang mga otoridad sa mga kilos ni Aureada, at nang suriin ang CCTV camera na malapit sa lugar, nakumpirma na kasama siya ng biktima, na pitong-taong-gulang.
Nakita rin sa CCTV footage na may hawak na sako ang suspek na siyang pinaglagyan sa bangkay ng bata.
Nitong Linggo, iniulat na nakita ang bangkay ng biktima noong Sabado na walang saplot na pang-ibaba.
Hindi umano nagbigay ng pahayag ang suspek, ayon sa ulat.
