SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Maligayang Pasko

Maligayang Pasko
Published on: 

Ngayong araw ng Kapaskuhan, nais nating kilalanin ang ilan sa ating mga kababayan na mas pinipili ang tumulong sa kapwa upang makapagbigay ng pag-asa ngayong mga panahong nababalot pa rin ng matitinding problema ang bansa

Nitong nakaraan, isang motovlogger mula sa Camarines Sur ang napiling akyatin ang mga matatarik na bundok upang mahanap nila ang mga karapat-dapat na tulungan at maipatayo ng tirahan.

Lumilibot sa iba't ibang lugar gamit ang kaniyang motorsiklo si Roy Buluan, o mas kilala bilang si Uragon Hane online, pero hindi lang basta pang-sight seeing o pamamasyal ang kaniyang pakay sa biyahe kung hindi ang maghanap din ng mga taong na maaari niyang tulungan na maipagawa o maipaayos ang bahay

Sa katunayan, 16 na bahay na raw ang naipatayo niya at naibigay sa kaniyang mga tinulungan.

Pero bago nangyari ang kaniyang misyon sa pagtulong, lumaban muna noon sa depresyon si Buluan.

"Lagi kong dinarasal, araw-gabi sana gumaling na ako. Sabi ko kapag gumaling ako, tutulong talaga ako sa tao. Tamang-tama, dumating itong pandemic na 'to. Nakita ko kasi ang mga tao dati halos walang makain, hindi sila makalabas ng bahay. Sabi ko, ito na ang perfect time para tumulong sa mga tao," sabi ni Buluan.

Dalawang taon nang ginagawa ni Buluan ang pagtulong sa kapwa.

Maliban sa gumagastos siya mula sa sarili niyang bulsa, malaking tulong din ang ibinibigay na suporta kay Buluan ng kaniyang subscribers.

"Nakakuha ako ng sponsor dahil sa nakikita nila ang mga video ko sa Facebook, sa YouTube. Kapag nakikita nila, gusto nilang tulungan. Kino-contact nila ako 'Magpapadala akong ganito, magpapadala ako ng ganiyan,'" sabi ni Buluan.

"Kahit anong hirap ng daanan, kahit gaano katirik ang bundok, pupuntahan po talaga namin para mahanap namin ang deserving na tulungan," dagdag pa niya.

Ang Kapaskuhan ay panahon ng pagbibigayan, pero mas maganda kung ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang gagawin tuwing Pasko bagkus ay dapat araw-arawin ito upang makapagbigay ng pag-asa sa lahat.

Maligayang Pasko, mga ka-Tribu.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph