Aubrey Miles, may mensahe sa anak

Nagbigay ng mensahe ang aktres na si Aubrey Miles sa kanyang 4-year-old daughter na si Rocket para sa kaarawan nito kasama ang asawa niyang si Troy Montero.
Sa Instagram, ibinahagi ng mag-asawa ang simple celebration na ginawa lamang sa kanilang bahay at nag-open-up pa ang dalawa tungkol sa mga hamon ng kanilang pagpapalaki kay Rocket na mayroong autism.
"Happy Birthday to our dearest Rocket. Do you guys know, her first full sentence is 'Happy Birthday to you.' Coming from a primarily non-verbal child, we definitely gotta celebrate her birthday!" saad ng mensahe.
Nakwento pa nina Aubrey at Troy kung bakit sa bahay lang sila nagdiwang.
"This year we decided to celebrate her 4th birthday at home. For parents who have a child with ASD (Autism syndrome disorder) know the challenges in throwing a party for their child, especially with lots of people. At her age we're still trying to figure out what she can tolerate and her vibe with loud music and lots of people. This party is already big for her," sabi sa caption.
"She even got scared when lighting the Birthday candle. My fault because I got one of those flower candles with music," dagdag pa ni Aubrey.
Noong Abril nang ibinunyag ng couple ang tungkol sa kondisyon ng kanilang anak na ayon sa kanila ay hindi kaagad nila pinaalam sa publiko dahil pinag-aaralan pa nila ang tungkol dito.
Matatandaan noong Hunyo lamang nang ikinasal sina Aubrey at Troy matapos ang 18 years na pagsasama.
