Kim Chiu inupakan ng madlang pipol sa bad joke kay Ryzza Mae Dizon

Napasigaw si Kim Chiu ng ‘Ay, si Ryzza Mae,’ nang makita ang naka-White Lady costume na si Jugs Jugueta.
Walang patumangang batikos ang inabot ni Kim Chiu dahil sa bad joke niya kay Ryzza Mae Dizon.
Sa isang episode kasi ng “It's Showtime,” isang short reel ang lumabas sa Reddit kung saan makikita ang chikahan ni Kim kay Brent Manalo na nagsabing nasa likuran niya si Lotus Feet. Agad namang lumingon si Kim at napasigaw ng "Ay, si Ryzza Mae," nang makita ang naka-White Lady costume na si Jugs Jugueta.
"Taklesa naman tlaga si Kim Chiu, nagdudunung-dunungan. Marami lang rabid fans," ayon sa isang post sa comment section ng Reddit.
"Nananahimik si Ryzza, dadamay pa sa corny jokes."
"Parang di galing sa retoke si Kim, bad joke."
"Madalas talaga di ko gets ang humor ni Kim kaya may times binabara na siya at binabash. Dami lang niya talagang fans kaya maraming nagtatanggol sa kanya sa humor niya."
"Si Kim yung type name host na need i-bried baka kasi kung anu masabi ni acclaimed. Remember nung sinabi niya AYV OF SPADES. Tapos nung nabash siya dun G na G sya."
"Wow, they even targeted that kid who hasn't done anything wrong."
