
Kaugnay ito sa kanyang "cough challenge" para sa netizens, matapos mabansagang ubo ng ubo sa mga teleserye.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro noong Lunes, titiyakin ng administrasyong…

Malugod na tinanggap ng Department of Tourism (DOT) ang paglulunsad ng non-stop na biyahe sa pagitan ng Los Angeles at…

Nakiusap si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa mga kumuha ng video at nag-livestream sa loob ng Ospital ng…

Hindi nakaligtas ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab winner na si Mika Salamanca sa hinaing ng maraming Pinoy na…
Sugatan ang isang college graduate matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa mismong araw ng kanyang pagtatapos sa labas ng isang paaralan sa Pantukan, Davao de Oro.
Naganap ang insidente dakong alas-1:00 ng hapon noong Huwebes, matapos dumalo ang biktima sa kanyang graduation ceremony.
Ayon sa ulat, pasakay na sa kanilang sasakyan ang biktima kasama ang kanyang pamilya nang pagbabarilin sila ng suspek na sakay ng isang minivan na walang plaka.
Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala mula sa kalibre .45 na baril. Hindi naman nasaktan ang iba pa niyang kasama sa pamilya.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa pamamaril.