
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Ngayong papalapit na ang Pasko, hindi maikakailang gumagawa na nang paraan ang ating mga kababayan upang kumita para mayroong maipanghanda ngayong Kapaskuhan.
At dahil sa maluwag na ang alert level restrictions, kanya-kanya nang diskarte ang ginagawa ng mga Pinoy upang kahit paano ay magkaroon ng laman ang kanilang mga mesa pagsapit ng Noche Buena.
Kasama na sa mga dumidiskarte ngayon ay ang ating mga delivery riders na gumagawa ng paraan upang makapaghatid ng mas maraming parcel o produkto para madagdagan ang kanilang kita ngayong Kapaskuhan.
Ang isang rider nga, pinagpapatong-patong sa kaniyang motorsiklo ang ihahatid na mga produkto dahil umaasa siya sa P5 incentive kada parcel kapag sumobra na sa 50 ang kaniyang delivery sa isang araw.
Tinatayang P500 kada araw ang kinikita ng mga riders, pero nababawasan ito bunga ng gastos niya sa pagkain at krudo na umaabot sa kabuuang P200.
Ang isang rider naman, kasama na sa pagdedeliber ang kaniyang asawa. Umaabot ng hanggang 12 oras ang kaniyang paghahatid ng mga produkto para kumita ng mas malaki.
At para makatipid sa gastos, kung minsan ay "tokneneng" na lang ang kanilang kinakain.
Sa kanilang trabaho sa kalye, kaakibat nito ang panganib na maaksidente, at mabiktima ng mga manloloko o fake deliveries.
Kaya naman suportado nila ang mga panukalang batas na nakabinbin sa Kamara de Representantes na naglalayong maproteksyunan ang mga delivery riders sa bansa.
Dalangin lamang namin, sana nga ay makagawa na ng mga panukala ang ating mga mambabatas upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga delivery riders.
Kung hindi niyo alam, ang ating mga delivery riders ay isa sa mga naging frontliners noong kasagsagan ng pandemya na itinaya rin ang kanilang mga buhay upang makapaghatid lamang ng pagkain at serbisyo sa mga mamamayan na nakakulong lamang sa bahay dahil sa mga lockdowns.