Andrea Garcia, palaban sa hubaran

Aminado ang up and coming Vivamax bombshell na si Andrea Garcia na wala siyang inuurungan pagdating sa hubaran at evident naman ito sa mga series at pelikula niya sa Vivamax.
Kasama si Andrea sa 8-part series na "Secrets of a Nympho" at sa pelikulang "Alapaap" na parehong mapapanood sa streaming app na Vivamax.
Si Andrea ay apo ng veteran actress na si Marissa Delgado. Ang tatay niya ay ang anak ni Marissa na si Kevin Delgado na nag-try din noon ng kanyang suwerte sa showbiz
"My grandma has been pushing me to try acting noon pa but it's only now that I got to put my mind into it. When I finally joined showbiz, hindi ko ipinaalam sa kanila. Na-surprise na lang sila," sabi ng dalaga sa mediacon ng "Alapaap."
Unang nakilala at sumikat ang dalaga bilang social media influencer, partikular na sa Instagram at TikTok kung saan libu-libo na rin ang kanyang followers hanggang sa ma-discover na nga siya ng Viva Artists Agency at papirmahin ng kontrata. Una siyang lumabas sa Vivamax Originals na "Iskandalo" at "High on Sex".
"Bata pa ako, sumasama ako sa tapings ng grandma ko where I met some big stars. Then I tried taking acting workshops. I'm in second year college but I decided to put it on hold muna while I try my luck in acting, also singing and hosting. But acting is really my top priority now," sabi ng baguhang Vivamax bombshell.
Idol ba idol daw niya ang original Dyosa na si Anne Curtis, "I've seen all her films and she's very good. Her acting comes from the heart.
"I also like her as host in 'Showtime' kasi ang lakas ng charisma niya. And I want to think that like her, I have a bubbly personality.
"As of now, I've started doing sexy projects for Vivamax but like her, I want to be eventually recognized for my talent, my acting," aniya pa.
Paano naman niya ilalarawan ang kanyang sarili bilang sexy actress? "I have no restrictions. Wala akong katulad, kasi palaban ako. Ako ang pinakapalaban sa lahat! Ha-hahaha!"
