
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…
Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Kaawa-awa ang sinapit ng isang 1 year old na batang lalaki matapos na tila ba gawing punching bag ng sariling ama na umano'y high sa ipinagbabawal na gamot sa Purok Nangka, Barangay Basak, Compostela, Cebu, noong Biyernes.
Puno rin ng pasa ngunit nasa maayos na rin kalagayan ang kambal nitong babae.
Kasalukuyang nilalapatan pa rin ng lunas sa Vicente Sotto Memorial Medical Center, Cebu ang bata na itinago sa pangalang Leo, na nakatakdang isailalim sa operasyon dahil sa mga namumuong dugo sa kanyang ulo.
Nasa kustodiya na rin naman ng pulisya ang suspek na ama ng batang kambal maging ang kanilang ina na napagalamang nagpabaya umano kahit na naghihingalo na ang anak.
Base sa salaysay ng kapatid ng suspek laking panlulumo na lamang niya nang makita ang kanyang pamangkin na babae na isang sa kambal na puro pasa sa katawan habang si Leo ay hindi na humihinga.
Mabilis siyang humingi ng saklolo sa pulisya na sila ring nagsugid sa biktima sa ospital, ayon pa sa ibang kaanak ng mga biktima ay madalas umanong binubugbog ng suspek ang mga anak maging ang kanilang ina, lalo na kapag high sa shabu.
Sa ngayon ay nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang ama't ina ng mga biktima.