Andrea del Rosario, ‘like a virgin’

Aminado ang aktres at original member ng all-female group noong Viva Hotbabes na si Andrea del Rosario na kaya pa niyang makipagsabayan sa pagpapaseksi at paghuhubad at ngayon nga ay may latest offering siya mula sa Viva Films na “May December January” kung saan katambal niya ang aktor na si Kych Minemoto.

Ayon sa aktres, “feeling virgin” na naman siya ngayong bata ang katambal niya sa bagong pelikula na idinirek ni Mac Alejandre.

“Feeling virgin uli!” ang tawa nang tawang one-liner answer ni Andrea. “Alam ni Direk ‘yan kasi it’s been a while but, kumbaga, ibinigay ko na lang talaga yung tiwala kay Direk because baka hindi ko nga magawa. So, I’m happy naman that I did,” sabi ni Andrea.

Dagdag pa niya, agad niyang tinanggap ang proyekto dahil bukod nga kay Direk Mac, napakaganda rin daw ng kuwento nito na mula sa panulat ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.

“I always say that this is once in a lifetime opportunity. I don’t know if I’d be able to be offered a project like this ever again. I’m very, very grateful. I’ve been in the business for almost thirty years. I’ve never been offered ng siguro ganitong kalaking project until Boss Vic del Rosario called me. Direk Mac was also there with Sir Ricky Lee. Alam naman natin na may golden touch si Boss Vic na hanggang ngayon, tinatawag pa rin ako na Lupe,” sabi ni Andrea.

“And when he called me for this movie, I just had to say yes. There’s no other option. I’m just grateful that I’m in a project like this,” dagdag niya.

Makakasama rin nina Andrea at Kych sa “May December January” si Gold Aceron, ang gaganap na anak ni Andrea sa pelikula na makakaagaw niya may Kych. Mapapanood na ito sa October 12 sa mga sinehan nationwide.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial