
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…
Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isang babaeng enforcer nila ang nakaladkad ng isang pampasaherong bus sa EDSA nitong Miyerkules at ayon sa paunang ulat, halos hindi na makatayo ang nasabing enforcer.
Batay sa imbestigasyon, sinita umano ng enforcer – na kinilalang si Leslie Vergara — ang driver ng bus na nakabalagbag sa kalsada at nang hindi ito umusad ay hiningi na ng enforcer ang lisensya ng driver na nakilalang si Allan Reodique.
Pero imbis na ibigay, pinaandar ng driver ang bus kung kaya sumabit ang kaliwang paa ni Vergara at nakaladkad siya.
"Sabi ko, kuya akin na po 'yung license mo. Kanina pa kita pinapaalis. Tapos biglang may sinasabi po siya na hindi ko maintindihan kasi maingay po," saad ni Vergara.
"Bigla niya pong pinaandar. Hindi naman kabilisan kaso nakaladkad ako," dagdag pa niya.
Depensa naman ni Reodique, hindi niya napansin ang enforcer at nakahanda siyang sagutin ang gastusin nito sa pagpapaospital.
"Hindi ko na po siya napansin kasi may pasaherong bumababa, hindi ko naman inabante, gumugulong 'yung sasakyan… Hindi ko naman po napansin na pinapaalis ako kasi nasa likod siya," saad ng driver.
Mahaharap sa patong-patong na reklamo ang driver dahil sa aksidente na nagdulot din ng pansamantalang mabigat na daloy ng trapiko sa north-bound lane ng EDSA.