Julia Barretto, sizzling sa pelikula

Talagang ibang klaseng karakter ang ipinakita ng aktres na si Julia Barretto sa kanyang pinakabagong pelikula na "Expensive Candy" dahil sobrang sizzling daw ang dating ng dalaga lalo na sa mga sexy scenes.
Bagama't ang tema ng pelikula ay may kaugnayan sa mga sex workers, hindi naman umano bastos ang naging dating ng pelikula at kahit na nga sex worker ang role ni Julia sa "Expensive Candy" na naghahangad na yumaman at makaahon sa hirap at isang guro naman si Carlo Aquino na gusto nang mabinyagan at makatikim ng sex, hindi kinailangang tumodo sa matitinding halikan at sex scenes ang dalawang bida.
Pero talaga namang napakaganda at napakaseksi ni Julia sa pelikula at sabi pa ng ilan ay naalagan ang dalaga sa bawat eksena niya, lalo na ang mga dance sequence niya.
Siguradong masa-shock ang ilan sa mga batang fans ni Julia kapag napanood nila ang aktres sa "Expensive Candy" pero sure na sure rin kami na magiging proud ang mga ito sa ipinakitang performance ng aktres sa movie.
Talagang nakipagsabayan din siya sa aktingan kay Carlo na given na ang galing sa pag-arte. Nag-shine talaga si Julia sa ilang drama moments nila ni Carlo lalo na nang magkabukingan na ng mga sikreto.
"I'm so, so, so excited for everybody to see this. It's like nothing that I've ever done before. I'd like to believe it's a coming-of-age film," sabi ni Julia.
