VP Sara, out of the country hanggang 31 Hulyo



Galit na galit si Rita Gaviola na kilala bilang “Badjao Girl,” sa podcast host ng “KoolPals” nang mapanood niya ang…
Pinapak ng netizens ang intimate at private wedding ni Isabela 1st District Rep. Antonio “Tonypet” Albano na ginanap…

Nag-viral kamakailan sa social media ang hindi inaasahang reunion ng isang mag-ama matapos silang muling magkrus ang…
Umabot na sa halos 750 metrikong tonelada ng basura at debris ang nahakot sa Redemptorist Water Channel sa Parañaque…

Nagbigay ng babala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista tungkol sa mga pekeng text…
Sa gitna ng isinasagawang impeachment trial laban sa kanya, lumipad na paalis ng bansa si Bise President Sara Duterte, ayon sa Office of the Vice President (OVP).
"The Vice President has left for an overseas trip," ayon sa opisyal na pahayag ng OVP.
Ayon sa ahensya, bibisita ang bise presidente sa Qatar; United Kingdom; at Netherlands kung saan dadalo ang bise sa isang forum at Filipino community (FilCom) event upang makipag-ugnayan sa mga overseas Filipino at maisulong ang kanilang mga interes.
Iginiit din ng OVP na walang pondong mula sa pamahalaan ang gagamitin sa buong biyahe.
Samantala, kinumpirma ng Palasyo na inaprubahan ang pag-alis ni Sara mula Hulyo 16 hanggang 31.
Gayunman, sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na kabilang din sa itinerary ng bise presidente ang Germany at Northern Ireland, taliwas sa pahayag ng OVP na tatlong bansa lamang ang bibisitahin nito.
Nilinaw ng OVP na nananatiling handa ang ahensya at si Vice President Duterte na tumugon sakaling magkaroon ng mga emergency.