SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Pabrika ng sigarilyo sa Bago City na sangkot ang pulis, binisita ni Remulla

SECRETARY Jonvic Remulla
SECRETARY Jonvic RemullaPhotograph courtesy of PNP
Published on

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, na isang aktibong pulis na may ranggong major mula sa Bacolod City Police Office ang iniimbestigahan kaugnay sa pagkakadiskubre ng isang pabrika ng sigarilyo sa Barangay Calumangan, Bago City.

Ayon kay Remulla, personal niyang binisita ang nasabing lugar kung saan umano’y ang pulis ang nagrenta ng warehouse, na kasalukuyan nang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

SECRETARY Jonvic Remulla
P784M fake cigarettes seized; 10 Chinese nationals arrested in Negros bust

Dagdag pa niya, ilalabas sa publiko ang pangalan ng naturang pulis. Lumabas din sa imbestigasyon na ang operasyon ng warehouse ay kumikita ng tinatayang P250 milyon kada buwan, o mahigit P2 bilyon, nang hindi nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Samantala, nasa kustodiya na rin ng mga awtoridad ang sampung Chinese national at ilang Pilipino para sa beripikasyon, matapos matuklasang wala silang pasaporte at iba pang pagkakakilanlan.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph