SUBSCRIBE NOW SUPPORT US
NAGBALIK ang kilos-protesta sa mga unibersidad matapos ang madugong crackdown noong Enero.
NAGBALIK ang kilos-protesta sa mga unibersidad matapos ang madugong crackdown noong Enero.Photo from AFP.

Mga estudyante sa Iran, muling nagprotesta matapos ang brutal crackdowns noong Enero

Published on

Muling nagsagawa ng anti-government protests ang mga estudyante sa ilang pangunahing unibersidad sa Iran, ang pinakaunang malakihang demonstrasyon sa campuses mula nang mangyari ang madugong crackdown noong Enero.

Lumabas sa mga verified videos at larawan ang pagtitipon ng mga estudyante sa Sharif University of Technology, Shahid Beheshti University, at Amir Kabir University of Technology sa Tehran. Makikita sa ilang footage ang pagmamartsa ng mga estudyante habang sumisigaw ng mga slogan laban sa pamahalaan.

Sa ibang clips, nagkaroon ng tensyon at girian sa pagitan ng mga nagpoprotesta at mga grupong inilalarawan sa mga ulat bilang pro-government supporters. Hindi pa malinaw kung may mga inaresto sa pinakahuling kilos-protesta.

May mga ulat din ng katulad na demonstrasyon sa Mashhad, ikalawang pinakamalaking lungsod ng Iran. Sa mga kumalat na video online, maririnig ang sigaw ng mga estudyante ng panawagan para sa kalayaan at karapatan.

Ang pagbabalik ng campus protests ay kasunod ng malawakang unrest noong Enero na nagsimula sa problema sa ekonomiya ngunit mabilis na lumawak sa anti-government demonstrations. Naglabas noon ang pamahalaan ng mahigpit na security measures, kabilang ang internet restrictions at mass arrests.

Patuloy ang magkakasalungat na ulat tungkol sa dami ng nasawi sa crackdown. Ayon sa Iranian authorities, mahigit 3,100 katao ang namatay, habang mas mataas na bilang naman ang inilalabas ng ilang independent at diaspora-based groups.

Kasabay ng muling pagputok ng protests ang umiigting na tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos kaugnay ng nuclear negotiations at military deployments sa rehiyon. Gayunman, ang pinakahuling kilos ng mga estudyante ay nakatuon sa domestic issues, ayon sa mga obserbador.

Matagal nang itinuturing na sensitibong espasyo ang mga unibersidad sa Iran, na madalas nagiging sentro ng political expression sa panahon ng krisis.

logo
Daily Tribune
tribune.net.ph