SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

SK chairman na nag-viral sa paghawak na pagkain sa 7-eleven, nagbitiw sa pwesto

BUMITIW na sa kanyang pwesto bilang SK chairman si Mark Adrian Napiza matapos ang kontrobersy ng kanyang video kung saan nakita siyang kinamay ang pagkain sa isang 7-eleven.
BUMITIW na sa kanyang pwesto bilang SK chairman si Mark Adrian Napiza matapos ang kontrobersy ng kanyang video kung saan nakita siyang kinamay ang pagkain sa isang 7-eleven.Kuha mula kay Boss Jeff.
Published on

Nagbitiw sa kaniyang posisyon bilang Sangguniang Kabataan (SK) chairman ng Barangay Bubukal si Mark Adrian Napiza.

Ang pagbibitiw ay kasunod ng kontrobersiyang kinaharap niya noong 15 Pebrero 2026, nang kumalat sa social media ang isang video na nagpapakita sa kaniya na hinahawakan ang mga panindang siopao at hotdog sa loob ng isang convenience store, na nagdulot ng matinding batikos mula sa publiko.

Sa kaniyang liham ng pagbibitiw, nagpasalamat si Napiza sa mga kabarangay na kaniyang napaglingkuran sa halos walong taon. Ayon sa kaniya, ang hakbang na ito ay bahagi rin ng pagdidisiplina sa sarili kaugnay ng nangyari.

Bago ang pagbibitiw, nagsampa ng administrative complaint si Sta. Cruz Mayor Benjo Agarao laban kay Napiza kaugnay ng insidente.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph