

Itinalaga bilang bagong direktor ng National Bureau of Investigation (NBI) ang taga-Laguna na si Atty. Melvin Matibag, kapalit ni Acting NBI Director Angelito Magno.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, prerogatibo ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang naturang pagtatalaga.
Si Atty. Matibag ay nagsilbi sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang secretary general ng Partido Demokratiko Pilipino at kilalang kaalyado ng dating pangulo.