SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

PhilHealth binigyang-diin ang YAKAP sa NHIP Month

YAKAP nagtala ng milyun-milyong kasali at clinic visits.
YAKAP nagtala ng milyun-milyong kasali at clinic visits.Photo from PhilHealth.
Published on

Binigyang-diin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) sa pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Segurong Pangkalusugan (NHIP Month), bilang bahagi ng pagpapalakas ng primary care sa bansa.

Sa ilalim ng YAKAP, may access ang mga miyembro sa konsultasyon, piling laboratory services, at mahahalagang gamot mula sa mga accredited primary care provider. Hinihikayat ng programa ang mga pamilya na magparehistro sa primary care provider upang masiguro ang tuloy-tuloy na monitoring ng kalusugan, maagang pagtuklas ng sakit, at preventive care, na makatutulong sa pagbawas ng di-kailangang ospitalisasyon at pagpapabuti ng kalusugang pangkalahatan.

Noong Enero 2026, naitala ng PhilHealth ang 26.75 milyong Pilipino na nakapaloob sa programa. Umabot naman sa 40.01 milyon ang YAKAP Clinic selections noong 2025 at 21.72 milyon noong 2026, na nagpapakita ng pagtaas ng partisipasyon ng mga miyembro sa kanilang napiling primary care provider.

Ang NHIP Month, na ipinag-utos sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 1400 s. 2007, ay layuning itaguyod ang social solidarity, proteksiyon sa pinansyal na panganib, at pagpapalakas ng primary care.

Kasabay ng 31st anniversary ng PhilHealth sa 14 Pebrero 2026, ipinagdiwang ng ahensya ang NHIP Month sa temang “Ka-YAKAP ang Pilipino sa Kalusugang Segurado.” Sa ilalim ng mga reporma sa kalusugan at Universal Health Care Law, lumawak ang papel ng PhilHealth mula sa pagpondo ng ospital-based services patungo sa pagiging strategic purchaser ng serbisyong pangkalusugan sa buong continuum of care.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph