

Ipinagtanggol ni Jameela Jamil ang kanyang pananaw sa feminism matapos mabunyag sa mga bagong bukas na dokumento ng korte ang mga pribadong mensahe kung saan tinawag niya si Blake Lively na “suicide bomber” at “villain,” kasabay ng nagpapatuloy na legal na alitan ni Lively at aktor-direktor na si Justin Baldoni.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, sinagot ng The Good Place star ang batikos kaugnay ng kanyang text messages kay Jennifer Abel, ang publicist na kumakatawan kina Jamil at Baldoni. Lumabas ang mga mensahe bilang bahagi ng mga dokumentong may kaugnayan sa kaso ng pelikulang It Ends With Us.
“Guys, feminism means fighting for the political, social and economic equity for women. Just gender equity,” ani Jamil sa isang video.
Dagdag pa niya, “It does not mean you have to like every single woman. It doesn’t mean you have to be friends with every single woman. It means you can actually beef with other women. You can criticize them. You can do whatever you want, as long as you are also fighting for their human right to the same things that men have in this world.”
Patuloy ni Jamil, “That’s all feminism is. It’s a moral and political stance. It is not a sleepover where we braid each other’s pubes, OK? So if you are fighting for women’s rights, but you don’t get along with every single woman, it doesn’t make you a bad feminist.”
Lumabas ang kanyang pahayag matapos mailantad ang isang August 2024 text exchange nila ni Abel, na tumutugon sa TikTok video tungkol sa umano’y “tone-deaf” na promosyon ni Lively para sa It Ends With Us. Noon, binatikos si Lively dahil sa pagpo-promote umano ng kanyang haircare brand at fashion kaysa sa seryosong tema ng domestic violence ng pelikula.
“I want to officially incorporate nightmare c**t and demon c**t into my vocabulary; UNBELIEVABLE; She’s doing this to herself,” mensahe ni Abel kay Jamil.
Maikli namang tumugon si Jamil: “She’s a suicide bomber at this point.”
Sa sumunod na bahagi ng usapan, matapos sabihin ni Abel na galit na galit siya kay Lively, sumang-ayon si Jamil at sinabing, “I’ve never seen such a bizarre villain act before. She’s Over over.”
Bagama’t hindi tuwirang pinangalanan ni Jamil si Lively sa kanyang Instagram Stories, lumabas ang kanyang pahayag kasunod ng mga ulat na nagbunyag ng nasabing mga text. Isang source na malapit sa isyu ang nagsabi na “disappointing” ang mga pahayag ni Jamil.
“It’s disappointing that instead of listening to women when they speak out, other women call them names,” ayon sa source.
Nag-ugat ang kontrobersiya sa matagal nang legal na sigalot nina Lively at Baldoni. Noong December 2024, nagsampa si Lively ng reklamo at kalaunan ay kaso laban kay Baldoni, na inaakusahan niya ng sexual harassment sa set ng It Ends With Us. Mariing itinanggi ni Baldoni ang mga paratang.
Bilang tugon, nagsampa si Baldoni ng $400 million countersuit laban kina Lively at sa asawa nitong si Ryan Reynolds, dahil umano sa paninirang-puri. Kinasuhan din niya ng libel ang The New York Times kaugnay ng pag-uulat nito sa kaso. Bagama’t ibinasura ng hukom ang countersuits ni Baldoni, nagpapatuloy pa rin ang kaso ni Lively.
Sa kabila ng batikos, nananatiling matatag si Jamil sa kanyang paninindigan, iginiit na ang hindi pagkakasundo sa kapwa babae ay hindi nangangahulugang taliwas ito sa adbokasiya para sa karapatan ng kababaihan.