Manyak, arestado habang kumukuha ng police clearance


Arestado ang isang lalaki na may alyas “Shamir” habang nagpo-proseso ng kanyang police clearance noong Huwebes ng tanghali, 22 Enero 2026, bandang 1:00 p.m., sa Police Sub-Station 7 sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City.
Ayon sa ulat ng Southern Police District (SPD) para sa National Capital Region Police Office (NCRPO), may nakabinbing kaso ng pangmomolestya sa mga menor-de-edad si Shamir na higit dalawang taon nang nakalilipas.
Habang inaasikaso ang kanyang clearance, isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inilabas noong 12 Disyembre 2024 ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 163 sa bisa ni Judge Desiree Gertrude C. Orquiola-Moldez. Nakaatang sa kanya ang dalawang counts ng Statutory Rape, at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya.
Sa ngayon, nananatili si Shamir sa Taguig Police Sub-Station 7 habang hinihintay ang commitment order ng hukuman para ilipat siya sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa, Lower Bicutan.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…