Bumaril sa tindera na naka-livestream, arestado na


Buddies, associates? One happy family?
A traditional dish called zongzi is served during China’s Dragon Boat Festival, which falls in June. It is a rice…
Divina credited the firm’s achievements to its members, thanking them for their ‘hard work, dedication, teamwork, and…
‘Sec. Vince Dizon, please explain how this finding of your own team should not be flagged as a ghost project in Taguig.’
Noong gabi ng 16 Enero 2026 sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal, binaril sa ulo ang isang 23-anyos na babaeng tindera habang nagli-livestream. Ang suspek ay naka-face mask at sumbrero.
Isinugod ang biktima sa ospital at natagpuan na nagtamo siya ng daplis ng bala sa batok.
Nakita ng mga saksi ang suspek na mahinahong naglakad at sumakay sa motorsiklong nakaabang sa secondary road. Kaagad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang Taytay Municipal Police Station. Kinaumagahan, 17 Enero 2026, inaresto ng Taytay PNP ang 31-anyos na suspek sa Angono, Rizal.
Ayon sa imbestigasyon, ang suspek ay dating kinakasama ng may-ari ng tindahan kung saan nagtatrabaho ang biktima. Ang alitan ay nauwi sa insidente matapos umano’y magsumbong ang biktima tungkol sa iba pang mga relasyon ng suspek.
Hinain na ng Taytay Police Station ang kasong frustrated murder laban sa suspek, na kasalukuyang nakakulong. Ligtas naman ang biktima at nagpagamot sa Ospital sa Pasig City.