Thursday, 27 August 2026
Nasdaq -0.08%
Subscribe NowSupport Us

Daily Tribune

Daily Tribune
Subscribe
Thursday, 27 August 2026
  • News
  • Opinion
  • Business
  • Life
  • Show
  • Sports
  • Global Goals
Partner feature

The Philippines' leading digital newspaper.

News
  • Headlines
  • Page three
  • Metro
  • Nation
  • World
  • Dyaryo Tirada
  • Obituary (Remember Me)
  • SONATOTOO (archive)
Opinion
  • All columnists
  • Editorials
  • Guest essays
  • Letters to the Editor
  • Scuttlebutt
Business
  • Shipping
  • Portraits
  • Pep
  • Business Advisories
  • Technology (Tech Talks)
Life
  • Show
  • Food & Drink
  • Getaways
  • Arts & Culture
  • Social Set
  • Spaces
  • Fashion & Beauty
  • The Edit
  • Top Form
  • Next Gen
  • Sacred Space
  • Project Larawan
  • Snaps
Sports
  • Hoops
  • Volley
  • Golf
  • Goal
  • Boxing
  • Tennis
  • Esports
  • Blast

Company

  • SONATOTOO archive
  • About
  • Contact
  • Advertise
  • Privacy
  • Subscribe
  • Support Us

© 2026 Daily Tribune · tribune.net.ph · Powered by Quintype

DYARYO TIRADA

Libreng UACR test sa ilang Mercury Drug para sa kidney disease

Mercury Drug, kasama ang AstraZeneca at Diabetes Philippines, ay nag-aalok ng libreng Urine Albumin-to-Creatinine Ratio (UACR) test sa apat na Mercury Drug branches: EDSA Pavilion at EDSA Shangri-La Plaza sa Mandaluyong, Trinoma Mall sa Quezon City, at Noveleta Magdiwang sa Cavite.

Amelia Clarissa de Luna Monasterial·14 January 2026, 5:49 pm·1 MIN READ

Libreng UACR test sa ilang Mercury Drug para sa kidney disease

Photo by Amelia Clarissa de Luna Monasterial for Daily Tribune images.

Text size
Partner feature
Partner feature

Suggested Articles

Rising kidney disease cases 
threaten to drain PH health resources
TOP FORM

Rising kidney disease cases threaten to drain PH health resources

Expert urges early screening, lifestyle changes, vigilance toward supplements

DT·3 July 2026

Newsweek ranks The Medical City first for cardiovascular care
METRO

Newsweek ranks The Medical City first for cardiovascular care

The Medical City’s cardiology program has been ranked first among Philippine hospitals in the Newsweek and Statista…

DT·2 July 2026

MediCard goes digital for chronic disease care
TECHTALKS

MediCard goes digital for chronic disease care

MediCard Philippines has enhanced its Livewell Lifestyle Management Program with an AI-powered platform that helps…

DT·1 July 2026

The heart of the matter
TOP FORM

The heart of the matter

While walking in to UP PGH we had to pass the back side and go through the hall ways adjacent to the emergency section.…

Peter Moran·30 June 2026

Driving ‘dwarf’
TARSEETO

Driving ‘dwarf’

Twenty-one-year-old Xiaoling from central China’s Hunan province has attracted 163,000 followers to her Chinese social…

WJG·27 June 2026

Share

Partner feature

Stay informed

Get Daily Tribune in your inbox

Breaking news, opinion, and business coverage for readers in the Philippines and abroad.

Subscribe to the newsletter
Mula kaliwa: Dr. Cyril Tolosa, director for medical affairs ng AstraZeneca Philippines; Martin Gumayan, vice president for chainstore operations ng Mercury Drug Inc.; Cora Lim, vice president for merchandising ng Mercury Drug Inc..; at Dr. Rey Rosales ng Diabetes Philippines.

Mula kaliwa: Dr. Cyril Tolosa, director for medical affairs ng AstraZeneca Philippines; Martin Gumayan, vice president for chainstore operations ng Mercury Drug Inc.; Cora Lim, vice president for merchandising ng Mercury Drug Inc..; at Dr. Rey Rosales ng Diabetes Philippines.

Photo by Amelia Clarissa de Luna Monasterial for Daily Tribune images.

Read next

DA bans livestock import due to FMD

DA bans livestock import due to FMD

Saklaw ng libreng screening ang blood pressure at blood sugar checks, body mass index (BMI) measurement, at Urine Albumin-to-Creatinine Ratio (UACR) testing.

Saklaw ng libreng screening ang blood pressure at blood sugar checks, body mass index (BMI) measurement, at Urine Albumin-to-Creatinine Ratio (UACR) testing.

Ang mga libreng UACR screening sa apat na sangay ng Mercury Drug ay gumagamit ng portable hospital-grade equipment na may kakayahang makita ang microalbuminuria sa mga sample ng ihi, na may mga resultang makukuha sa halos isang minuto.

Ang mga libreng UACR screening sa apat na sangay ng Mercury Drug ay gumagamit ng portable hospital-grade equipment na may kakayahang makita ang microalbuminuria sa mga sample ng ihi, na may mga resultang makukuha sa halos isang minuto.

Ang Pinggang Pinoy ay isang malusog na modelo ng plato ng pagkain para sa mga Pilipino. Naglalarawan ito ng mga iminungkahing proporsyon para sa bawat kategorya ng pagkain. Maaari itong iakma upang umangkop sa mga pangangailangan sa pagkain ng bawat tao.

Ang Pinggang Pinoy ay isang malusog na modelo ng plato ng pagkain para sa mga Pilipino. Naglalarawan ito ng mga iminungkahing proporsyon para sa bawat kategorya ng pagkain. Maaari itong iakma upang umangkop sa mga pangangailangan sa pagkain ng bawat tao.

What's your take?

Share

Google Preferred Sources

Get more Daily Tribune stories in your search results

Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.

Add to Google

Continue reading

  • NephroPlus expands kidney health advocacy nationwide
    NephroPlus expands kidney health advocacy nationwide
  • Samar chikungunya cases spike past 250
    Samar chikungunya cases spike past 250
  • One for three: Links among heart, kidney, metabolic diseases
    One for three: Links among heart, kidney, metabolic diseases
Partner feature

Ang chronic kidney disease (CKD) ay unti-unting pagkasira ng bato kung saan nawawala ang kakayahan nitong linisin ang dumi at sobrang fluid sa dugo. Kilala rin bilang “silent killer,” madalas ay wala itong sintomas sa simula. Sa oras na lumabas na ang mga palatandaan ng sakit sa bato, marami nang pasyente ang may permanenteng pinsala at maaaring kailanganin ng dialysis.

Sa Pilipinas, tumaas sa 35.94 percent ang kaso ng CKD noong 2022, mas mataas kumpara sa global average na 9.1 hanggang 13.4 percent. Pinakamalaking risk ang mga may hypertension at Type 2 diabetes, kung saan isa sa tatlong tao ay apektado. Ipinapakita nito kung gaano kahalaga ang maagang testing at kaalaman para maagapan ang sakit.

Isa sa pinakaepektibong paraan para ma-detect agad ang CKD ay ang Urine Albumin-to-Creatinine Ratio (UACR) test, na sumusukat kung may albumin, isang uri ng protein, sa ihi. Normal na pinananatili ng malusog na bato ang protein sa dugo, pero kapag may pinsala, ito ay napupunta sa ihi. Ang kahit maliit na halaga ng albumin ay pwedeng magpahiwatig ng stress sa bato bago pa lumitaw ang sintomas. Karaniwan, ang UACR test sa ospital ay nagkakahalaga ng P2,000 hanggang P3,500.

Para hikayatin ang mga Pilipino na alagaan ang kanilang kidney health, ang Mercury Drug Corporation, kasama ang AstraZeneca Philippines at Diabetes Philippines, ay nag-aalok ng libreng UACR test sa apat na piling branches: EDSA Pavilion at EDSA Shangri-La Plaza sa Mandaluyong, Trinoma Mall sa Quezon City, at Noveleta Magdiwang sa Cavite. Available ito buong taon, mula Miyerkules hanggang Linggo, sa operating hours ng bawat branch.

Ang UACR test ay simple, hindi masakit, at hindi invasive. Gamit ang portable machine na katulad ng sa ospital, nasusukat nito ang microalbuminuria na kadalasang hindi nakikita sa ordinaryong urinalysis. Lumalabas ang resulta sa loob ng isang minuto. Kasama rin sa screening ang blood sugar, blood pressure, at BMI measurement.

Ayon kay Dr. Cyril Tolosa ng AstraZeneca Philippines, layunin ng programa na maabot ang higit 10,000 pasyente, dahil ang karaniwang annual physical exam ay umaasa lamang sa ordinaryong urinalysis na kadalasang hindi nakikita ang maliit na albumin. Mula 2024 hanggang 2025, higit sa 44,000 Pilipino ang na-screen sa CKD program. Pinili ang apat na branches base sa dami ng foot traffic para mas maraming maabot.

Paliwanag ni Dr. Rey Rosales ng Diabetes Philippines, hindi agad binibigyan ng gamot ang may maagang palatandaan ng CKD. Sa halip, mahalaga ang lifestyle at diet changes para ma-delay o maiwasan ang paglala ng sakit. Kung walang intervention, ang may microalbuminuria ay maaaring magkaroon ng CKD sa loob ng 10 taon. Sa tamang pagbabago ng lifestyle, pwedeng umabot sa 20 taon o tuluyang maiwasan ang sakit.

Binanggit din ni Dr. Rosales ang mga factors na nagpapataas ng risk ng CKD: edad 50 pataas, babae, may diabetes, hypertension o heart disease, may history sa pamilya ng CKD, at paggamit ng sigarilyo o tobacco.

Bagama’t kasama sa screening ang BMI, binigyang-diin ni Dr. Rosales na hindi ito tiyak na sukatan ng CKD risk. Batay lamang sa height at weight ang BMI at hindi isinasaalang-alang ang body composition. Maaaring ang ilang overweight o obese ay may normal blood sugar, blood pressure, at UACR results. Ang timbang ay pwedeng epekto ng laki ng muscle at fat sa katawan, at mas delikado kung sobra ang fat.

Pinayuhan din niya ang mga madalas uminom ng protein supplements, lalo na ang gym enthusiasts, dahil pwedeng magdulot ito ng abnormal na UACR results. Mas mainam na kumuha ng protein mula sa natural na pagkain at lean meat, hindi red meat. Maaaring sundan ang Pinggang Pinoy bilang guide sa balanced meals, na pwedeng i-adjust depende sa pangangailangan.

Ayon sa organizers, ang libreng CKD screening ay isang hakbang para mapalakas ang health awareness sa buong bansa. Ang preventive care at lifestyle changes ay long-term investment para sa kalidad ng buhay, para mas maraming taon kasama ang pamilya at mahal sa buhay.

  • AstraZeneca
  • kidney disease
  • Chronic kidney disease (CKD)
  • kidney disease awareness
  • AstraZeneca Philippines
  • Urine Albumin-to-Creatinine Ratio (UACR) test
  • UACR test
  • free UACR test