
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Olongapo City, Zambales - Tiklo ang dalawang tulak habang P3.25-milyon na droga ang kumpiskado ng kapulisan sa dalawang buy-bust operation sa lungsod na ito.
Ayon sa Police Regional Office 3 (PRO3), ang dalawang suspek ay tinaguriang high-value individuals.
Sa Barangay West Bajac-bajac, nagsagawa ang pulis ng buy-bust operation noong 9 Enero 2026.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakahuli ni alias Bash at kumpiskasyon ng P2.72-milyong droga.
Sa Barangay Sta. Rita, nahuli naman si alias Kevin noong 10 Enero 2026, at nakumpiska ang 78 gramo ng shabu na may halagang P530,400.
Ayon kay PRO3 director Brigadier General Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ang pagkaaresto sa mga suspek ay repleksyon ng rehiyon pagdating sa kampanya laban sa droga.
Aniya ito ay ehemplo ng pagpupursige ng PRO3 sa mga operasyong legal na katuwang ang komunidad sa pagsupil sa krimen habang isinasapuso ang karapatan ng bawat mamamayan.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…