SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

NYPD binaril ang lalaking may cutter sa harap ng mga magulang

HUMAHAGULGOL ang ina ng biktima sa pinangyarihan ng krimen matapos barilin ang kanyang anak.
HUMAHAGULGOL ang ina ng biktima sa pinangyarihan ng krimen matapos barilin ang kanyang anak.Larawan mula sa LoudLabs NYC.
Published on

Isang 29-taong-gulang na lalaki ang nabaril at napatay ng isang pulis ng New York Police Department (NYPD) sa harap ng kanyang mga magulang noong Linggo, 21 Disyembre sa Far Rockaway, Queens.

Ayon sa Chief of Patrol Philip Rivera, tumawag ang mga magulang ng lalaki sa pulis bandang 12:25 a.m., humihiling ng tulong sa kanilang inuupahang apartment sa 11-70 Nameoke Street. Pumasok ang mga opisyal kasama ang mag-asawa ngunit hindi nila agad natagpuan ang lalaki. Nang lumabas ang mga pulis, nakita nila ang anak ng mag-asawa na nakatayo sa dulo ng hallway, may hawak na box cutter.

Sinabihan ng mga pulis ang lalaki na bitawan ang armas. Gumamit ng taser ang isa sa kanila nang hindi sumunod ang lalaki, ngunit sumugod daw ang biktima, at nagtago ang kanyang ama sa likod ng mga opisyal.

Ayon sa kapitbahay na si Kean Bravo, 72, narinig niya ang nanay ng biktima na nagsasabi, "Wag bumaril, kasi may sakit siya," habang inuulit na may hinahampas sa pinto. "Nagbubugbugan yung binata at yung pulis, ilang beses silang tumatama sa pinto," aniya. Pagkatapos ay narinig ang putok ng baril at ang ama ay sumigaw, "Pinatay mo ang anak ko sa harap ko!"

Dinala sa Jamaica Hospital ang lalaki, ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Hindi pinangalanan ng NYPD ang mga pulis o ang biktima. Naglabas ang departamento ng larawan ng box cutter na may tape sa hawakan nito.

HAWAK ng mga pulis ang ama ng lalaking binaril ng NYPD matapos nitong hindi sumunod na bitawan ang cutter,
HAWAK ng mga pulis ang ama ng lalaking binaril ng NYPD matapos nitong hindi sumunod na bitawan ang cutter,Larawan mula sa LoudLabs NYC.
Ang labas ng apartment kung saan naganap ang barilan.
Ang labas ng apartment kung saan naganap ang barilan.Larawan ni Kevin Sheehan para sa NY Post.
Larawan ng cutter na inilabas ng NYPD matapos ang insidente.
Larawan ng cutter na inilabas ng NYPD matapos ang insidente.Larawan ng NYPD.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph