

Naitala kaninang umaga 6:11am ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang isang lindol na yumanig sa bahagi ng probinsya ng Zambales.
Ang naturang lindol ay may lakas na magnitude 4.5 at may lalim na 10 kilometro.
Natukoy din ang epicenter sa humigit-kumulang 49 kilometro sa timog-kanluran ng Cabangan.
Intensity I – Abucay, Bataan
Intensity I – Iba, Zambales
Sa ulat ng PHIVOLCS, mahina lamang ang naramdamang pagyanig sa mga naturang lugar at wala itong inaasahang magiging pinsala.