Skip to content
DYARYO TIRADA

Miss Grand International 2025 Emma Tiglao, balik Pinas na

Miss Grand International Emma Tiglao

Miss Grand International Emma Tiglao

Photo from Emma Tiglao on Facebook

Text size

Dahil sa karangalan na iniuwi sa bansa, magkakaroon ng homecoming parade si Miss Grand International 2025 Emma Tiglao sa Makati City.

Sa Facebook page, inianunsyo ng Miss Grand International Philippines na gaganapin ang homecoming parade ni Emma sa ika-24 ng Nobyembre, ganap na 2 p.m., sa Ayala Triangle Gardens sa Lungsod ng Makati.

Magsisimula ang ruta ng parada mula Ayala Triangle, dadaan sa Ayala Avenue, Paseo de Roxas, at Makati Avenue, bago bumalik sa Ayala Triangle.

Sasamahan ang Filipina beauty queen nina Miss Grand International president Nawat Itsaragrisil, iba pang beauty queens, at mga sorpresa pang bisita.