Ilang bahagi ng Caloocan at Malabon, makakaranas ng power interruption
Magkakaroon ng nakatakdang power interruption ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong 17 Nobyembre, Lunes, sa ilang bahagi ng Caloocan at Malabon. Isasagawa ito upang maisakatuparan ang line reconducting works sa kahabaan ng P. Aquino Ave. sa Brgy. Tugatog.
Ayon sa Meralco, maaapektuhan din ang ilang pangunahing kalsada sa paligid ng Gen. San Miguel St. at C4 Road mula M.H. Del Pilar St., kabilang ang Dragon Cold Storage Corp. at Philippine National Bank. Kasama rin sa maaapektuhan ang mga lugar sa Sabalo, Dr. Lascano, Buklod ng Nayon, Bisig ng Nayon, Julian Felipe at V. Delos Reyes Streets sa Dagat-Dagatan, Sangandaan at Poblacion, Brgy. Tonsuya sa Malabon, gayundin ang Sangandaan Subdivision sa Caloocan City.
Sasaklawin din ng power interruption ang bahagi ng Sabalo St. mula Gen. San Miguel St. hanggang Lapu-Lapu Ext., kasama ang Samaral St. at Salmon St. sa Poblacion, Caloocan City, pati na rin ang bahagi ng Lakas ng Mahihirap St. mula Gen. San Miguel St., kasama ang Velasco J. Ramos, Soli, Fili, Noli at Tupda Village St.

