Lalaki, nang-hostage sa Recto



Executive Secretary Ralph Recto urged American investors to set up operations along the Luzon Economic Corridor (LEC),…

Atty. Orlando “Orly” Mendiola said his appearance in CCTV footage linked to an alleged plot to frame Executive…

Executive Secretary Ralph G. Recto assured that the government’s free rice program for poor Filipino families will…
The National Bureau of Investigation (NBI) has reset to Monday the appearance of four lawyers subpoenaed in connection…

The National Bureau of Investigation (NBI) denied Wednesday that it leaked CCTV footage that recently surfaced in the…
Naging tensyonado ang eksena sa bahagi ng Recto sa Lungsod ng Maynila matapos ma-hostage ang isang babae ng isang lalaking may dalang patalim, Martes ng hapon.
Ayon sa ulat, hinabol ng mga pulis ang nasabing lalaki dahil may kaso ito ng pananaksak. Sa kanyang pagtatangkang makatakas, nagtungo siya sa isang printing shop at tinutukan ng patalim ang isang babae.
Napag-alaman din na nagtungo siya sa Recto upang maningil ng kanyang sahod na nagkakahalaga ng P20,000, ngunit hindi ito ibinigay ng kanyang amo.
Hiniling ng suspek na mabayaran siya at makita ang kanyang ina. Kalaunan, ibinaba niya ang patalim at sumuko matapos ang negosasyon.
Ayon sa pulisya, naibigay na sa ina ng suspek ang P20,000.
Paliwanag ng suspek, wala siyang balak mang-hostage at napatakbo lamang siya dahil sa mga humahabol sa kanya.
Dahil dito, mahaharap ang sumukong suspek sa mga reklamong illegal detention, alarm and scandal, at illegal possession of deadly weapon.