Herlene Budol may takot


May mga kumakalat na balita na natatakot daw umano ang aktres at beauty queen na si Herlene Budol kay award-winning character actor Mon Confiado kaya ayaw niyang makatrabaho ito.
Nitong nakaraan kasi ay natanong si Herlene kung sino ang kinatatakutan niyang maging kaeksena at ang isinagot niya ay walang iba kundi ang seasoned actor na si Mon Confiado.
Sa isang panayam, sinabi ng dalaga na wala naman daw talaga siyang partikular na artistang ayaw na niyang makatrabaho, halos lahat daw ng mga nakasama niya ay okay kaeksena.
Pero nabanggit nga ni Herlene ang pangalan ni Mon Confiado na nakasama niya noon sa isang episode ng “Tadhana” hosted by Marian Rivera.
Gusto pa rin naman daw niyang makatrabaho uli ang napakagaling na aktor sa mga susunod niyang proyekto pero inamin niyang grabe ang takot na naramdaman niya noong magkasama sila sa “Tadhana.”
As in tunay na takot talaga ang na-feel niya sa mga intense scenes nila ng aktor kaya naman dalang-dala siya sa kanilang mga eksena na parang totoong-totoo.
“Grabe sobrang galing niya, talagang tinakot niya ako, pero gusto ko pa rin siyang makatrabaho,” sey ni Herlene.
Papuri pa niya kay Mon, para daw sa kanya ang premyadong aktor ang pinakamahusay na kontrabidang lalaki na nakatrabaho niya at hindi siya magdadalawang-isip na makasama uli ito sa next project niya sa GMA 7.
Hindu immigrants abroad celebrate in either August or September Ganesh Chaturthi, a 10-day festival commemorating the…
President Ferdinand Marcos Jr. on Tuesday called for women’s greater representation in leadership across Southeast…
The Senate impeachment court on Tuesday denied the prosecution’s bid to compel Vice President Sara Duterte to confirm…