Rhian Ramos wagi

Nagwagi bilang best actress sa 4th TAG Awards Chicago ang Kapuso actress na si Rhian Ramos para sa murder mystery series na “Royal Blood.”
Naiuwi ni Rhian ang parangal para sa kanyang world-class acting bilang si Margaret Royales na talaga namang tumatak sa mga manonood.

Nagmarka sa televiewers ang palaban at mysterious role na ito ni Rhian, na siya ring main culprit sa pagkamatay ni Gustavo Royales, na ginampanan ng award-winning veteran actor na si Tirso Cruz III.
Talaga namang deserve na deserve ni Rhian ang naturang international award na siguradong aani rin ng mga nominasyon (at pagkapanalo) sa susunod na awards season.
