Hindi pinalampas ng aktres na si Xyriel Manabat ang mga bashers at body shamers at hindi nagpatalo sa mga epal at laiterang netizens at sinupalpal ang isang pumuna sa kanyang katawan.
Sa post ng aktres, dapat daw laging malinis, maganda at mabango ang buhok natin dahil ito ang unang nakikita ng mga tao kapag lumalabas.
Maraming um-agree kay Xyriel pero may isa ngang nagkomento na parang iba naman daw ang unang napapansin sa kanya at hindi ang kanyang hair.
Hindi direktang tinukoy ng netizen kung ano ang ibang parte ng katawan ni Xyriel ang kanyang tinutukoy pero mukhang ang boobs ng dalaga ang tinutumbok nito.
Ang komento ng netizen, “Weehhh buhok ba talaga unang una nakikita sa ‘yo??”
Mukhang na-gets naman agad ni Xyriel ang malisyosong pahayag ng bodyshamer kaya ang resbak niya sa netizen, “Sa ugali ka na nga lang babawi sa kat4ng@han mo pa PINAKITA kung sino ka”
May isa namang nagsabi ng, “Haha… pikon ka naman Retokada ka!!” Pero wala na kaming nakitang sagot dito si Xyriel.
Samantala, nagpasalamat naman si Xyriel sa naging comment ng isa niyang follower tungkol sa kanyang mga mata.
Sey ng netizen, “Yung mata po halatang hardworking girl ka tlga pahinga din idol para lalong gumanda.”
Ang reply naman ng aktres sa kanya, “HAHAHAHAHAHAHAHA! THANKS FOR THIS!”
Matatandaang sa panayam ni Ogie Diaz kay Xyriel ay inamin niyang totoong sumasakit ang likod niya dahil sa kanyang dibdib.
“Sa totoong buhay po, masakit sa likod. Totoo po yung back pain, tapos nakukuba ka po talaga, tapos ang hirap pong humanap ng matinong posisyon. Mahirap po talaga siya,” sabi ni Xyriel.
Pero ayon sa aktres, wala siyang isyu sa mga babaeng nagpapadagdag ng boobs para lumaki ang mga ito, “Kumbaga, kahit malaki, masikip kapag isinuot sa kanila ang ganda. Well, ewan ko po, yun lang po yung perspective ko.”
Kung siya ang masusunod, mas pipiliin daw niyang maging flat-chested dahil, “Mas less wardrobe malfunction. Hindi po dahil sa attention or sa pagiging sexy ibabase, yung practicality.
“Wardrobe malfunction, body pains. Struggle po siya, e. Hindi ko naman po siya ikinakahiya o inaayawan, kasi yung iba talaga pinapalagay pa.”
Inamin din niya nakaapekto sa kanyang mental health ang pamba-bodyshame sa kanya dahil sa sukat ng kanyang dibdib, “Maaapektuhan at maaapektuhan po ako kasi hindi lang po iyon pagko-comment o pagba-bash.
“Binabastos po nila ako and ino-objectify. Sine-sexual assault nila ako in a way. Hindi po yon dapat pinapalagpas,” sabi pa ni Xyriel.