
Aminado ang aktres na si Coleen Garcia na gusto niya uling mabuntis at manganak uli sa ikalawang baby nila ni Billy Crawford kung mabibigyan ng pagkakaon.
Nasa France si Coleen kasama ang asawa niyang aktor at TV host na si Billy Crawford at anak na si Amari dahil sinamahan at sinuportahan kasi niya ang kanyang husband na sumali at nagwagi sa French edition ng reality dance competition program na "Dancing with the Stars".
Ayon pa kay Coleen, mananatili sila sa France until the first week of December at babalik sa Pilipinas bago mag-Pasko.
May bagong movie si Coleen na "Kaluskos" na idinirek ni Roman Perez, Jr. at ipinalabas ito sa nakaraang 2022 Cinemalaya Independen Film Festival at mapapanood na ito sa mga sinehan simula sa December 7.
Kuwento ni Coleen, medyo madalang siyang gumawa ng pelikula ngayon dahil ang priority pa rin niya ay ang kanyang pamilya, lalo pa't lumalaki na ngayon si Amari.
Ang huling pelikula ni Coleen ay ang "Adarna Gang" na ginawa niya noon pang November, 2021 at ipinalabas sa Vivamax early this year.
"I don't think I purposely limit pero mahirap din for every production to consider din na bitbit ko yung anak ko and everything. Parang mahirap din naman to consider pero wala, e, non-negotiable pa talaga siya kasi I never spent one single night away from Amari," sabi ni Coleen.
"So, nagpapasalamat talaga ako kasi ang Viva saka si Direk Roman, they're really so understanding about that. And I don't think, lalo na siguro kung teleserye, na magiging madali siya kung palagi kong kasama si Amari. I know it will not last forever kasi hindi naman siya bata forever. Inuuna ko lang talaga siya now," dagdag pa niya.
Sa tanong kung may plano na ba sila ni Billy na sundan si Amari,
"It's a good time, it's a good time naman. But it's still up to God pa rin, at the end of the day. Na-realize ko din naman na akala ko kasi, nu'ng pregnant ako, sabi ko, 'Ay, madali lang ito. Parang nine months lang ang mawawala sa akin.' Pero hindi. Two years na yung nawala sa akin na I don't feel like it's going to be cut short anytime soon. Raising a child is not easy and ang sa akin kasi, gusto ko lang matutukan si Amari and I feel like if we have another child now, doable naman, manageable naman, pero the way na natututukan namin siya ngayon, iba kasi talaga," sabi ni Coleen.
"Although we can multi-task, mas gusto ko yung focus talaga and then, kapag nakakausap na namin siya, nakakaintindi na siya, mae-explain na namin at maiintindihan niya, yon ang ideal time talaga para sa akin na masundan siya," dagdag niya.