P9.7 MJ nasabat sa Bulacan
Aabot sa mahigit 9.7 million halaga ng marijuana ang nasakote mula sa dalawang pinaghihinalaang tulak sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Balagtas, Bulacan noong Linggo.
Kinilala ni Bulacan Police director PCOL. Charlie Cabradilla ang mga naarestong suspek na sina Mark Lambert Bhobe, residente ng Meycauayan at Angelo Llagas ng Brgy. Gaya-Gaya, San Jose Del Monte.
Ikinasa ang operasyon ng Balagtas police laban sa mga target bandang alas-2:45 ng hapon sa Brgy. Santol.
Nakumpiska sa operasyon ang kabuuang 81 bricks ng pinaghihinalaang marijuana na tumimbang ng 81,000 grams at may estimated street value na P9,720,000
Nas kustodiya na ngayon ng nasabing himpilan ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.
