Kamay ng pulis na nataga, naikabit muli


Tinio: Billions funneled into lump-sum aid programs
Before politics, the pressures of public life, and the Presidential Palace, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. remembers a…
When a Tennessee woman was sentenced to death in 1996 for murdering a 19-year-old student the year before, she remained…
Records from the Anti-Money Laundering Council (AMLC) showed that Cale88 Foods Corp., a firm linked to Vice President…
Patuloy na mino-monitor ang kalagayan ng isang pulis matapos rumesponde sa isang lalaking nag-amok at armado ng itak sa San Jose, Camarines Sur.
Nangyari ang insidente nitong hapon, ika-22 ng Agosto na nauwi sa pananaga at pagkakaputol ng kaliwang kamay ni Police Staff Sergeant Noli Miraña.
Wala nang nagawa ang mga kasamahang pulis kundi paputukan ang suspek matapos nitong makahanap ng tiyempo upang tagain si Miraña, at madali ang kaliwang kamay nito.
Nagtamo rin ng mga sugat sa katawan ang 38-anyos na suspek, na sinasabing may problema umano sa pag-iisip.
Kaagad naman na naikabit ang naputol na kamay ng pulis, kung saan kasalukuyan siyang nananatili sa Bicol Medical Center sa Naga City.
Ayon naman sa mga awtoridad, itutuloy nila ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek.
Samantala, tiniyak ng National Police Commission (NAPOLCOM) na hindi pababayaan si Miraña at ang kanyang pamilya at makatatanggap sila ng mga benepisyo at tulong alinsunod sa batas.
Nangako rin ang komisyon na patuloy na aalalay sa pulis habang nagpapagaling ito.