Isang insidente ng pamamaril ang naganap sa loob ng Ateneo de Zamboanga High School Campus umaga ng Martes, 18 ng Agosto.
Dalawang estudyante ang nasawi sa insidente, kabilang ang suspek sa pamamaril.
Batay sa paunang ulat mula sa Regional Director ng Police Regional Office 9 (PRO 9), kinilala ang biktima na si Patrick Dylan Wee, isang Grade 10 student na natagpuang wala nang buhay sa ikaapat na palapag ng paaralan.
Samantala, ang suspek na si Mohammad Mael Jalani, isang Grade 9 student, ay nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa ikalimang palapag matapos ang insidente.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang pamamaril bandang alas-7:50 ng umaga. Wala umanong malinaw na probokasyon bago nagpaputok ang suspek sa mga estudyanteng nasa loob ng silid-aralan.
Dalawang uri ng baril, isang pistol at isang rifle, ang iniulat na ginamit sa insidente.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Regional Forensic Unit 9–Scene of the Crime Operations (RFU9-SOCO), katuwang ang Zamboanga City Police Station 6 (ZCPS 6), upang suriin ang pinangyarihan ng krimen at mangalap ng karagdagang ebidensya.
Naglunsad din ng hiwalay na imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Zamboanga City Field Office upang alamin ang background ng suspek, kung paano nakapasok sa campus ang mga baril, kung sino ang may-ari ng mga ito at kung legal ang kanilang pagmamay-ari.
Sinusuri rin ng mga awtoridad kung may iba pang naging biktima at kung may posibleng kapabayaan sa panig ng pamunuan ng paaralan.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…