Roberta Tamondong, grabe ang taglay na pambihira at pangrahuyo



Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na naghain sila ng reklamong grave threats laban kay Vice Pres. Sara Duterte.

Rumesbak si Palace Press Officer undersecretary Claire Castro sa daing ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ukol sa…

Tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magpapatuloy ang programa ng pamahalaan na pagbebenta ng…
Ito ang saad ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager, Nicolas Torre III, matapos tumambad ang…
Umarangkada na ang panibagong rollback sa presyo ng diesel, gasolina, at kerosene na umaabot sa halos P5 kada litro.
Wasak na wasak ang mga barakong totoo, isama na rin natin ang mga ipinanganak na babae na nagnanasa, nagmamahal, at nakikipag-niig sa kapwa nila mga babae, pati na rin ang mga bebot na buong-buo ang pananalig na sila ay may puso at asal ng mga lalaki, sa sa taglay na pambihira at pangrahuyo ni Roberta Tamondong.
May batobalaning taglay ang alindog at rikit ni Tamondong na sa totoo lang, kayang buhayin ang makamundong damdamin at pagalitin ang mga ugat at kalamnan ng mga humahanga at sumasamba sa kanya.
The WHO si Binibining Tamondong?? Naku mga Chika Diva mambabasa, hindi siya pwedeng isama sa pangkat The WHO lalo na nga’t ang mga credential niya sa pagiging Maganda, solido at siyento porsiyento.
Beauty queen si Roberta, siya ang kauna-unahang itinanghal na Miss Eco Teen International na anim na taon na ang nakalipas at kasasayan ang kanyang inukit sa pageant world dahil sa kanyag pagkapanalo.
Umariba siyang muli sa timpalak pagandahan matapos hirangin bilang Binibining Pilipinas Grand International taong 2022 at sa mismong international pagmamagandahan, 5th runner up na sash ang kanyang inuwi. At kitang-kita at damang-dama pa rin hanggang ngayon ang kanyang pagiging beauty queen.
Mag-aaral siya ngayon at ang kurso niya ay Tourism Management sa isang prestihiyosong unibersidad. Beauty na, brains pa, total package, hindi ba naman!
Ang kanyang karera sa showbiz ay umiikot sa pagiging modelo, host at starlet. Sa telebisyon, huling nasilayan ang kanyang ganda sa palatuntunang My Husband Is A Mafia Boss na ang mga bida ay sina Joseph Marco at Rhen Escano.
Ang katauhan ni Tamondong sa serye ay si Meisha Maxine Lamperogue. Kaloka ang name niya, huh! Parang pinaghalong pang-bold starlet at mafia villainess ang dating! Sa Yeji Mafia Group kabilang ang katauhan.
May photos na posted ang isang popular ma underwear brand kung saan kitang-kita ang kurbada, kinis at pagiging sexy ni Tamondong kaya naman happy fiesta ang kanyang mga taga-suporta. Ang daming pumuso at nagpadala ng mga fire at hot emoji sa pictorial paandar.
Ang ilan sa reaksyon sa nasabing pictorial: “Nagmumura ang alindog.” “So hot!,” “OMG” “Wow,” “Swabe. ” “Grabeng solid,” at “Gorgeous.”