Photojournalist, sinubukang arestuhin ng pulis sa protesta sa Pasay



Police seized more than P357,000 worth of suspected illegal drugs and arrested a high-value Chinese suspect during an…

FPolice arrested a 21-year-old Chinese national Thursday morning after he allegedly assaulted a security guard and…

Senator Christopher “Bong” Go has provided assistance to 118 families affected by a recent fire in Barangay 51, Pasay…
Sen. Christopher “Bong” Go extended assistance to 118 families affected by a recent fire in Barangay 51, Pasay City,…

Armed with their trusty cameras, the photographers covering the Malacañang beat are important chroniclers of our time.…
Tinangka ng mga pulis na arestuhin ang dating Associated Press editor at beteranong photojournalist na si Bullit Marquez habang kinukunan niya ng larawan ang isang protesta sa Pasay City noong Miyerkules, 22 Hulyo.
Kasabay dito ang paglala ng tensyon sa pagitan ng mga nagpoprotesta at mga awtoridad malapit sa pinagdarausan ng ika-59 na ASEAN Foreign Ministers' Meeting.
Naganap ang insidente habang nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga miyembro ng progresibong grupong Bayan, iba pang mga organisasyong aktibista, at mga pulis sa kanilang martsa patungo sa Philippine International Convention Center (PICC), ang lugar na pagdarausan ng ASEAN Summit.
Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga grupo upang tutulan ang pagbisita ni U.S. Secretary of State Marco Rubio para sa pagpupulong ng mga bansang kasapi ng rehiyon, gayundin ang panukalang proyektong Pax Silica na pinangungunahan ng Estados Unidos.
Ayon kay Marquez, hinarangan ng mga kapulisan ang kaniyang camera habang kumukuha ng mga litrato na pinag-ugatan ng tensyon sa pagitan ng dalawang panig.
Aniya, hinawakan siya ng mga ito na naging dahilan para mabagsak ang kaniyang camera at magtamo ng sira.
"Tinatakpan ‘yung camera ko, hinawi ko [yung kamay]... nakapagbigkas ako nang hindi masyadong maganda. Siyempre, reaction lang naman yun. Tapos, hinihila ako. Tapos, paghila sa akin, bumagsak yung camera ko. Nalaglag yung camera ko… pagka-pulot ko ng gano'n, ina-arrest na ako tapos, balak daw akong pusasan," sabi ni Marquez.
Nilabanan umano niya ang tangkang pag-aresto at saka umalis sa lugar.
Nakarating ito sa ibang kapwa niya mamamahayag at photojournalists at nakatanggap naman siya ng pagtatanggol mula sa kanila.