Sawa, tinaga ng natakot na residente sa Valenzuela



Indigenous people and environment advocates from Nueva Vizcaya gathered in front of the Department of Environment and…

TACLOBAN CITY — Stakeholders have pledged to protect the environment and biodiversity of the Samar Island Natural Park…

CAGAYAN DE ORO CITY — A female Philippine Eagle is fighting for survival after being rescued with suspected pellet…

A Minahang Bayan is a government-designated area where qualified small-scale miners are allowed to extract minerals.

ITOGON, Benguet — The Department of Environment and Natural Resources–Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB)…
Sinagip ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Metropolitan Environmental Office (MEO)–North ang isang reticulated python sa Barangay Bagbaguin, Valenzuela City matapos itong maputulan ng buntot nang tagain ng isang umanong natakot na residente.
Ayon sa Animal Control Staff, nangyari ang insidente nang makita ng residente na lumalabas ang sawa mula sa kanilang bahay.
Batay sa paunang pagsusuri ng mga eksperto, ang natamong pinsala ay magdudulot ng permanenteng epekto sa katawan ng sawa na maaaring makaapekto sa normal nitong pagdumi, pag-ihi, at kakayahang magparami.
Kilala ang reticulated python bilang pinakamahabang uri ng ahas sa buong mundo at isa sa mga pinakamabibigat. Ito rin ay katutubo o native sa Timog-Silangang Asya.
Upang maprotektahan ang mga ganitong uri ng hayop na likas sa bansa, mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001 ang pananakit, pagpatay, pagkuha, at iba pang ilegal na gawain laban sa mga ito. Ang sinumang lalabag ay haharap sa kaukulang parusang administratibo at kriminal.