Kuya Kim, inalala ang anak na si Emman sa kanyang ika-20 kaarawan



US President Donald Trump said Wednesday he would meet North Korean leader Kim Jong Un later this year, in what would…

Not a few fans of It’s Showtime host Kim Chiu were alarmed over what appear to be veiled threats to the actress-host’s…

Trump said he was unhappy about the drills that are designed to prepare for a possible attack by Pyongyang.

The global pop star revealed that he has significant hearing loss in his right ear, which he said retains only around…

Malacañang on Monday announced that it has received the P7.2 trillion National Expenditure Program for fiscal year 2027…
Emosyonal na nagbahagi ng mensahe ang television personality na si Kuya Kim Atienza para sa ika-20 kaarawan ng kanyang anak na pumanaw noong nakaraang taon.
Sa Instagram post, ipinakita ni Kuya Kim ang 18th at 19th birthday video ng bunso niyang si Emman, kung saan masaya itong nagdiriwang ng simpleng selebrasyon kasama ang pamilya.
"Emman's birthday wish every year was the same: 'TO MAKE PEOPLE HAPPY SO I CAN BE HAPPY,'" saad ni Kuya Kim.
"Emmansky, your time with us was brief but you made millions happy. I love you and miss you so much," dagdag pa niya.
Nagbahagi rin ng pagbati ang nakatatandang kapatid ni Emman na si Eliana, kalakip ang mga throwback pictures nila.
Pumanaw si Emman sa edad na 19 noong Oktubre matapos ang mahabang laban sa mental health illness. Umani naman ng pakikiramay ang pamilya mula sa mga tagahanga ng pumanaw na social media influencer.