SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Paolo Gumabao, goodbye na sa hubadero era

Paolo Gumabao, goodbye na sa hubadero era
Published on

Pangunahing aktor si Paolo Gumabao sa romantic-comedy na “Spring in Prague,” na ang director si Lester Dimaranan, mula sa Borracho Films ni Attorney Ferdinand Topacio.

Dahil sa katotohanang ito, imbiyerna ang mga bekibel, kasama na diyan ang mga lalaking nagnanasa at nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki, at mga babaitang haliparot at hitad.  Quota na si Gumabao sa pagbuyangyang sa kanyang matikas na pangangatawan at pambihirang palo-palo. Tinuldukan na niya ang kanyang hubadero era.

Sa pulong balitaan para sa pelikula inamin ni Gumabao: “Isang pagsubok sa kakayahan ko bilang aktor ang maging leading man, tapos ang genre pa, romantic comedy. Alam niyo naman, kadalasan sa mga katauhang binibigyang buhay ko ay brusko, maginoong medyo bastos, nakasimangot o kaya nambubuwisit, so doing this role, yes it is refreshing and yun na nga, happy challenge talaga.”

Ang hindi niya makakalimutan sa Czech Republic, partikular na ang Prague kung saan mahigit sa isang linggo ang kanilang shooting, kwento ni Gumabao: “Nakakamangha yung old world structures nila. Iniingatan talaga nila ang kanilang mga building, simbahan, yung kalye cobble stones pa rin, pag nasa Prague ka, parang pumasok ka lugar na sa ngayon, sa search engines mo lang makikita. Malamig ang weather, yes. At mababait lahat ng mga nakatrabaho namin.”

Wala sa pulong balitaan ang Czech actress na si Sara Sandeva.  Sa mga naunang panayam ni Gumabao, professional, mabait at collaboarative ang kanyang deskripsyon para sa katamabal na talaga namang kay ganda-ganda.

Ang iba pang artista na kasama sa pelikula ay si Elena Koslova at ang mga Borracho artist na sina Sean Raval, Jesy Vidal at Shierah Sumacot.

Paglalahad ni Atty. Ferdie Topacio, dapat panooring ang pelikula kasi: “Maganda ang pagkakasulat ng kwento,  tungkol sa isang Pilipino at isang taga Czech republic na hindi inaasahang magkaka-ibigan.  Magaling ang aming mga artista.  Bagay at tagalang may chemistry sina Paolo at Sara. Pati supporting cast namin. Walang itulak-kabigin.  And of course, Prague is not just a background here, hindi lang pang cinematic effect.  Integral siya sa narrative.  Ang daming malalaman about Prague and the Czech Republic, their people and of course, their culture in the movie. It is entertaining, interesting and has a lot of romance, Feel good siya and when you go out of the cinemas, there is a smile on your face and talagang you cannot help but talk and rave about it.”

Sa 4 Pebrero angsimula ng pagtatanghal ng “Spring in Prague” sa mga sinehan.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph