SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Trillion Peso March II, naging mapayapa -PNP

March to Mendiola. Protesters from Baha sa Luneta 2.0 surge toward Mendiola on Bonifacio Day, their chants echoing through Manila’s streets as they demand accountability for alleged massive corruption. Students, workers, and civic groups converged at Luneta and the EDSA Shrine, swelling the ranks of the Trillion Peso March.
March to Mendiola. Protesters from Baha sa Luneta 2.0 surge toward Mendiola on Bonifacio Day, their chants echoing through Manila’s streets as they demand accountability for alleged massive corruption. Students, workers, and civic groups converged at Luneta and the EDSA Shrine, swelling the ranks of the Trillion Peso March.Toto Lozano/ Aram Lascano
Published on

Itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na  naging mapayapa ang naging pagdaraos ng “Trillion Peso March” nitong Linggo, ika-30 ng Nobyembre, sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Nasa mahigit 16,000 pulis ang dineploy upang tiyakin ang kaligtasan ng mga lumahok sa rally, habang mino-monitor sa Command Center ang drone feeds, CCTV, at mga ulat mula sa field.

Si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr. ang nanguna sa pagmamanman, at ang mga pulis sa field ay may dalang kalasag at batuta lamang dahil sa suspensyon ng permit to carry firearms. Kasama rin sa koordinasyon si DILG Secretary Jonvic Remulla.

Ayon sa PNP, may 87 aktibidad na mino-monitor sa buong bansa na may 55,975 na kalahok, at natapos ang lahat nang walang seryosong insidente.

Nananatiling maayos ang trapiko at presensiya ng pulisya, habang tinulungan din nila ang mga motorista at mga nakilahok.

Nagpasalamat si Nartatez sa publiko, organizer, at marshals sa disiplinadong partisipasyon, at pinuri ang mga pulis sa kanilang propesyonalismo at pagpipigil.

Sa pahayag nito, iginiit ng PNP na ang kanilang operasyon ay nakabatay sa mandato nilang protektahan ang publiko at tiyakin ang mahinahon at ligtas na pagdaraos ng mga pagtitipon.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph