
Dito, doon at kung saan-saan ang putok na putok na chika na ang ating kauna-unahang Miss Universe-Asia, Chelsea Manalo eh pinatuyang ibang klase talaga ang kanyang dakilang ganda, huh.
Sabog na sabog sa Ekis, TikTok at kung saan pa may dalahira at katkatera na natatangi na talaga ang pagiging malapit ni Manalo kay basketball player-model na si Cole Micek.
Kasi naman, ayaw paawat ang sightings na magkasama ang dalawa at may mga pagkakataon pa ngang huling-huli na magkahawak ang kanilang mga kamay habang naglalakad, huh!
May video pa nga sa TikTok na makikita ang beauty queen na nagpi-picture kasama ang isang fan, habang si Cole ay tila naghihintay sa isang gilid. Matapos makipag-photo op ni Manalo, lumapit na ang binatang kay kisig, pamalo ang tindig at pangangatawan, magandang lalaking tunay at hinawakan ang kamay ng kanyang tinatangi.
Sa mga komentaryo sa nasabing video, may nagbahagi rin ng mas malinaw na litrato ng dalawa na tila kuha rin sa parehong araw. Makikita rito na parehong nakangiti sina Chelsea at Cole at nakaakbay pa ang huli sa una.
Ay! Ayaw paawat ang mga video sharing, sa true lang. Sa isa pang video, spotted ulit ang dalawa sa Bonifacio Global City (BGC) na parehong nakatutok at may tinitingnan sa cellphone na hawak ni Cole. Lalong kinilig ang netizens nang makita pa ang ilang iba pang clips ng dalawa na lumalabas-labas sa publiko. May bago pa ngang larawan na ibinahagi na makikitang kasama ni Chelsea ang nanay at tatay ni Cole. Ay! Meet the parents na ito! Iba rin!
Kaabang-abang ang susunod na kabanata nina Chelsea Manalo at Cole Micek. Magkasintahan na soon to be eh mabuhay ang bagong kasal ang kaganapan? Bakit naman hindi,
Naku, Chelsea, bukod tanging babaing pinagpala ka talaga sa lahat. It’s you na already!
***
Shock ang marami sa ipinost ni Cannes Best Director Brillante Mendoza na larawan niya kasama ang Batangas governor at Star for All Seasons na si Vilma Santos at si Coco Martin sa kanyang Facebook (FB) account kahapon.
At sa caption ay may nakalagay na “#filmmaking.”
Mabilis na naglaro tuloy sa isipan ng mga netizens na ang next movie project ni Direk Brillante ay pagbibidahan nina Vilma at Coco.
Ang katotohanan, ‘luma’ na ang piktyur nila nina Gov. Vi and Coco. Nakunan daw ang piktyur na ‘yan nu’ng nag-lunch sila and talk about a possible project in the future.
Ang isa pang katotohanan, napa-‘Oo’ rin sa wakas ni Direk Brillante si Gov. Vi sa isang proyekto niya. Matagal nang gustong gumawa ng movie ni Direk Brillante with Gov. Vi pero either ‘di sila magkasundo sa proyekto or may problema sa schedule.
At ang panghuling katotohanan, matatagalan pang magkasama ang Star For All Seasons at ang Bagong Hari sa isang pelikula kasi nga balik politika siya at parehong napaka-busy ng schedule ng dalawa.