SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Jodi Sta. Maria ready na muling maging ‘blushing bride’

Alwin Ignacio The Diva View
Published on
JODI Sta. Maria: Ako ‘yung type of person who never loses faith in love.
JODI Sta. Maria: Ako ‘yung type of person who never loses faith in love. LARAWAN MULA SA FACEBOOK

Ang mahusay na dramatic actress na si Jodi Sta. Maria, ready na muling maging ‘blushing bride’ kasi nga opisyal na ang pagpapawalang bisa ng kasal niya sa dating kabiyak na si Pampi Lacson. Labing-tatlong taon ang paghihintay ni Sta. Maria para sa kaganapang ito, huh!

Sa punong balitaan para sa kanyang pinagbibidahang pelikula, ang “Untold,” walang halong pag-iimbot at buong katapatang sumagot ang dekalibreng aktres nung inurirat siya kung sa malapit na hinaharap ay nais niyang maging “here comes the bride, all dress in white” at ang pinakamamahal niyang nasa altar ng simbahan.

Pahayag ni Jodi: “Ako naman ‘yung type of person who never loses faith in love. ‘Yun lang naman.”

Aniya pa: “Napaka-importante ng love in all aspect, hindi lang ‘to limited sa romantic relationships, but also friendships, also love for work, love for career.”

Siempre pa, patungkol sa romantikong aspekto ng kanyang buhay, kumikislap si Sta.Maria ayon sa kanyang ganda at talaga namang super may karapatan itong maglaro ng ganda-gandahan kaya  mauunawaan kung bakit ayaw niya itong pag-usapan at pulos matamis na ngiti na lang ang reaksyon niya patungkol rito. 

Hindi naman lihim ang pagiging malapit nila ni Raymart Santiago kaya kung mas gusto ni Jodi na pribado ang kung anuman meron sila ni ginoong Santiago, hayaan na natin ang dalawa. Hindi na naman sila mga Gen Z na dapat, lahat ng mga galawan tungkol sa kung sino ang karelasyon at karomansa ay pangmalakasang ibinabahagi dito, doon at kung saanman.

Ang kanyang katauhang si Vivian Vera sa pelikula ay isang fake news peddler. Sa director nitong si Derick Cabrido, siya lamang ang aktres na kanyang kinausap para bigyang buhay ito. Anim na taon na ang lumipas nung huling nagsama and dalawang award winning film artists sa “Clarita” na horror movie rin.

Chika ni Jodi: “Sa totoo lang, after Clarita, binalak kong tigilan na gumawa ng horror movies. It took 6 years, nung nag-pitch muli sa akin si Direk Derick. Ewan ko ba, sabi ko na lang, ‘sige, direk, pag-usapan natin. Nung mabasa ko na yung script, I cannot out it down! Nagustahan ko talaga because it is something different.”

Dream come true para sa award-winning actress ang “Untold” dahil matagal na niyang pinapangarap na makapagtrabaho sa Regal Films. Alam ni Sta. Maria na ang horror genre ay isa sa mga biggest strengths ng film production company.
Ang punong ehekutibo ng prdoduksyon, si ginoong Keith Monteverde, tunay na maligaya at humanga sa obrang pelikula ni Direk Derrick Cabrido. Pahayag ni ginoong Monteverde: “The cast is super good and Direk Derick did a great job putting the film together.”

Kasama sa pelikula sina Joem Bascon na ang deskripsyon sa kanyang katauhan ay “hubaderong camera man” ni Vivian, Juan Karlos Labajo na ang katauhan naman ay ang lalaking pinakamalapit sa katauhan ni Jodi, at ang kauna-unahang Filipina Miss Universe, Gloria Diaz ang mommy dearest ni Sta. Maria sa nasabing pelikula.

Rated -13 without cuts, ang Derick Cabrido’s “Untold” ay itatanghal sa mga sinehan sa Abril 30.  

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph