Palasyo, no comment sa patutsada ni Digong kay PBBM

(File Photo)
Mas pinili na manahimik o hindi magbigay ng komento ang Malacañang sa mga naging patutsada ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay ayon kay acting Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez, na sinabi nilang hindi na nila nais magkomento sa mga banat ni Duterte.
Matatandaang binatikos ng dating pangulo si Pangulong Marcos, na diumano'y patuloy na gumagamit ng iligal na droga.
Binatikos din umano ng dating pangulo ang kasalukuyang administrasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.
Naganap ang nasabing mga pambabatikos ng dating pangulo noong ito ay dumalo at nagsalita sa proclamation rally ng kaniyang partidong PDP-Laban.
