SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Michelle Vito, istrikto

Michelle Vito,  istrikto
Published on: 

Talaga palang istrikto ang aktres na si Michelle Vito pagdating sa kanyang boyfriend na si Enzo Pineda dahil sinabihan umano ng dalaga ang aktor na muna sa paggawa ng sexy movies.

Nitong mga nakaraang taon kasi ay nalinya ang aktor sa mga pelikulang kailangan niyang magpakita ng katawan at makipag-love scene sa kanyang mga nakakatambal.

In fairness naman kay Enzo na itinanghal na First Prince sa reality talent search ng GMA 7 na "StarStruck" na umere noong 2009, marami-rami na rin siyang achievements sa showbiz.

Kabilang na riyan ang kanyang FAMAS best supporting actor award para sa pelikulang "He Who Is Without Sin". Nakagawa na rin siya ng ilang teleserye sa GMA 7 at ABS-CBN.

At makalipas nga ang ilang taon, muling magbibida si Enzo sa upcoming barkada comedy movie ng Viva Films at Feast Productions, ang "Call Me Papi" na isinulat at ididirek ni Alvin Yapan.

Makakasama niya sa movie sina Royce Cabrera bilang si Lito, Albie Casino as Ben, Lharby Policarpio as Mario at Aaron Concepcion bilang Roy.

"I understand naman where she is coming from. She's conservative and just looks after my well being. She says kapag masyado akong na-typecast sa sexy roles, baka hindi na ako kunin for other kinds of films and I think that she has a valid point," sabi ni Enzo.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph