Tarlakenyong nagpaputok, sa selda ang pasok


Arestado ang isang lalaki pagkatapos magpaputok ng kanyang baril sa Bypass Road, Tarlac City nitong 3 Oktubre 2026, na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong katao at agaran niyang pagkaaresto.
Ayon sa Tarlac City Police Station, iniimbestigahan nila ngayon ang insident ng papamaril ng isang sinasabing law enforcement officer sa Bypass Road ng siyudad na ito dakong alas 11:50 ng gabi.
Batay sa paunang imbestigasyon, nagkaroon umano ng suntukan sa pagitan ng mga kaibigan ng mga nasugatan at ng suspek sa nasabing lugar. Kasunod nito, umano’y bumunot ng baril ang suspek at nagpaputok ng dalawang beses, na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong indibidwal.
Agad namang isinugod ang mga biktima sa Central Luzon Doctors Hospital para sa kaukulang medikal na atensiyon. Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang buong pangyayari, kabilang ang mga sirkumstansiyang nag-udyok sa insidente.
Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang isang kalibre .45 na baril na hinihinalang ginamit sa insidente. Ang nasabing ebidensiya ay isasailalim sa kaukulang pagsusuri at dokumentasyon bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon.
Sa kasaluluyan ay patuloy ang masusing pag iimbestiga ng mga tauhan ng Tarlac City Police Station para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa naarestong suspek
Ayon kay Police Lt. Col. Glen Santiago, Chief of Police, mahalaga ang masusing imbestigasyon, maayos na koordinasyon, at wastong pangangalap at pagsusuri ng mga ebidensiya upang malinaw na matukoy ang buong pangyayari at matiyak na ang anumang legal na hakbang ay nakabatay sa mga nakalap na impormasyon at ebidensiya.
Singapore penalizes bad public behavior. Transport authorities in the island state announced last month that public bus…
Authorities arrested 244 foreign nationals, mostly Chinese, during simultaneous operations against suspected illegal…
The Senate impeachment court’s decision to deny former Senator Antonio Trillanes a subpoena was a consensus reached by…