

Abot-abot ang pasasalamat ng aktres na si Yassi Pressman nang siya ang tanghaling pinakabagong calendar girl ng Ginebra San Miguel para sa 2023 at talagang thankful siya kapag nalalaman niyang nagsisilbi siyang inspirasyon para sa iba na subukan ang sining, o iba pang landas.
Pero pag-amin ng dalaga, siya rin mismo nakahahanap ng inspirasyon mula sa ibang tao.
"I love Ate Anne Curtis so much. She is a person that has a lot of values aside from talent, aside from beauty," saad ni Yassi. "She's been here for so long, ibig sabihin patuloy niya lang ginagalingan at pinupursigihan ang trabaho niya. So I really respect people like that."
Inilahad din ng British-Filipino celebrity na kusa niyang napagtanto kung kailan muling tahakin ang "road to fitness" na walang pag-uudyok mula sa ibang tao.
"I thought I had to get back in shape for my health," sabi ni Yassi.
Dagdag pa ng dalaga, ikinagagalak niyang ma-inspire ang ibang tao na tanggapin ang sariling katawan at kilalanin ang mga nararamdaman, at inaming mahalaga para sa kanya na maging isang role model, "100 percent."
"I think without my role models as well, who are non-show biz, I wouldn't be here. So if I am in a position like this with a platform, and blessed to have so many people who are following, I'd rather not only share selfies, but also inspirational messages and make them smile or laugh," sabi ng dalaga.